Cagayan naghahanda na sa bagyong Quiel

0
15

Puspusan na ang paghahanda ng mga otoridad sa lalawigan ng Cagayan sa posibleng pananalasa ng bagyong Ramon.

Ayon kay Col. Atanacio Macalan, hepe ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), hindi pa lubusang nakaka-bangon ang lalawigan matapos ang pananalasa ng bagyong Quiel.

Aniya, naka-red alert na din ang rescue teams sa lalawigan partikular na sa mga lugar na madalas bahain, at makaranas ng pagguho ng lupa.

Sa buong lalawigan ng Cagayan aniya ay nasa 16 na bayan ang kritikal tuwing masama ang panahon.

Matatandaang nito lamang Biyernes, Nobyembre 8, nang isailalim ang lalawigan sa state of calamity dahil sa pinsalang idinulot ng bagyong Quiel sa sektor ng agrikultura at imprastraktura.