Caloocan Bishop David itinangging may koneksyon kay ‘Bikoy’

0
55

Mariing itinanggi ni Caloocan Bishop Pablo Virgilio David na may koneksyon sa kay Peter Joemel Advincula alyas ‘Bikoy’.

Ito’y matapos sabihin mismo ni Advincula na ilang beses umano itong nakipagkita sa mga pari kabilang na ang naturang obispo para pag-usapan umano ang planong pagpapatalsik kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay David, maging kay Sen. Antonio Trillanes IV ay hindi siya nakipagkita.

Dahil dito, nanawagan ang obispo sa Philippine National Police (PNP) na tumutok lamang sa imbestigasyon sa mga mahahalaga sa halip na pagtuunan ng pansin ang mga naging pahayag ni Bikoy.