Thursday, May 2, 2024

Diver na nawawala sa Palawan patuloy na pinaghahanap – PCG

- Advertisement -

Patuloy na pinaghahanap ng Philippine Coast Guard ang isang diver na napaulat na nawawala habang sumisisid sa bahagi ng Tubbataha Reef sa Palawan.

Ayon kay Philippine Coast Guard spokesman Capt. Armand Balilo, Lunes ng hapon ng magtungo ang grupong kinabibilangan ni Bryan Nazareno sa Amos Rock sa Tubbataha Reef sakay ng M/Y Palausport.

Gayunman, hindi na aniya nakabalik si Nazareno sa kanyang grupo at iniulat sa kanila na nawawala ito, Martes ng umaga.

Sinabi ni Balilo, agad silang nagpadala ng search and rescue operations sakay ng BRP cabra sa nabanggit na lugar para hanapin si Nazareno.

with report from Aya Yupancgo (Patrol 5)

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img