70,000 trabaho ilalatag ng DOLE sa Araw ng Kalayaan

0
56

Aabot sa 70,000 trabaho sa loob at labas ng bansa ang i-aalok ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa ikinasa nilang independence day job fair sa Hunyo 12.

Ayon sa DOLE, idaraos ang nasabing job fair sa 22 lugar sa buong bansa kasabay ng paggunita sa ika-121 anibersaryo ng kalayaan ng bansa.

Kabilang anila sa makikilahok sa mga job fair ang nasa 560 mga employers kung saan 461 ang lokal habang 99 ang overseas o sa ibang bansa.

Dagdag ng kagawaran, pinakamaraming bakanteng posisyon sa lokal employment ay machine operators, production worker, factory, customer service representative, mananahi, sales clerk, cashier, delivery crew, service crew at marketing officer.

Habang sa ibang bansa naman ay mga professional at staff nurses, waiters, service crew, company drivers, midwife, English teachers, janitress, barista at technicians.