Calabarzon PNP mas maghihigpit sa Agoncillo, Laurel Batangas

0
8

Lalo pang maghihigpit ang Police Regional Office 4A o Calabarzon PNP sa ipinatutupad nilang lockdown sa mga bayan ng Agoncillo at Laurel sa lalawigan ng Batangas.

Binigyang diin ito ni Calabarzon PNP Director P/BGen. Vicente Danao Jr. makaraang maiwan ang dalawang nabanggit na bayan sa mga naka-lockdown matapos ibaba sa level 3 ang alerto sa bulkang Taal.

Ayon kay Danao, maliban sa mga karagdagang pulis na kanilang ipakakalat sa lockdown areas, magtatalaga rin sila ng mga tauhan sa evacuation centers.

Dahil dito, muling naki-usap si Danao sa mga residente ng nabanggit na mga bayan na sundin ang kanilang apela upang maiwasan ang anumang disgrasya.