31.8 C
Manila
Friday, April 12, 2024

Angat Dam bahagyang nadagdagan ang tubig

- Advertisement -

Matapos ang halos 2 linggo, bahagya nang nadagdagan ang tubig sa Angat Dam sa Bulacan.

Batay sa datos ng PAGASA Hydrology Division, pumalo sa 203.33 meters ang lebel ng tubig sa Angat Dam, 6:00 kaninang umaga.

Mas mataas ito kumpara sa 203.23 meters na lebel ng tubig na naitala sa kaparehong oras kahapon ng umaga.

Maliban sa Angat, nadagdagan din ang tubig sa Ipo dam na nasa 101.10 meters ngayong araw kumpara sa 101.09 meters kahapon.

Gayunman, bahagyang nabawasan ang lebel ng tubig sa iba pang mga dam sa Luzon tulad ng La Mesa, Magat, San Roque, Binga, Pantabangan, Ambuklao at Caliraya.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -