Sunday, May 5, 2024

3 patay sa engkuwentro ng Abu Sayyaf at militar sa Zamboanga City

- Advertisement -

Tatlo ang kumpirmadong patay sa panibagong bakbakan sa pagitan ng militar at ng Abu Sayyaf sa Barangay Limaong, Zamboanga City alas-5:00 kaninang umaga.

Ayon kay Lt. Col. Gerry Besana, tagapagsalita ng Western Mindanao Command o WESMINCOM, kabilang sa mga nasawi ang kilabot na Abu Sayyaf leader, isang 7-taong gulang na bata at isang babae.

Nakatanggap umano ng impormasyon ang militar hinggil sa presensya ng mga bandido dahilan kaya’t agad rumesponde ang tropa.

Pero habang papalapit na ang mga ito, saka pinaulanan ng bala ang mga sundalo at doon na sumiklab ang bakbakan na tumagal ng sampung minuto.

Tatlong menor de edad ang naiulat na nasugatan din sa engkuwentro na kaagad naman dinala sa pagamutan.

Kinilala naman ni Task Force Zamboanga Commander Col. Leonel Nicolas ang napatay na ASG leader na si Abu Nibra kilalang follower ni Isnilon Hapilon at Abdullah Indanan.

Aminado ang militar na hindi nila alam na may mga sibilyan ang nakatira sa lugar kung saan nagkaroon ng engkuwentro.

Sa ngayon nasa area pa ang mga sundalo at napapatuloy sa isinagawang clearing operations.

Kinumpirma ni Besana na ang napatay na Basilan-based ASG leader ay pang pito sa listahan na notoryus.

Tinutukoy na rin ng militar kung kamag-anak ng napatay na bandido ang mga biktimang sibilyan.

—-

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img