36.4 C
Manila
Friday, April 26, 2024

Bula, Camarines Sur COVID-19 Free Muli

- Advertisement -

Iriga City – Mas mahigpit na pagpapatupad ng mga health protocols sa bawat barangay ang ginagawa ngayon ng lokal na pamahalaan ng Bula para tuloy tuloy na itong maging covid free.

Sa ipinalabas na datus ng LGU, masaya nitong ibinalita na simula noong nakalipas na linggo, araw ng Biyernes, ang kanilang bayan ay covid free na muli. ito ay matapos na tuluyang pagdeklara ng Department Of Health na gumaling na sa Covid 19 ang huling 50 anyos na pasyente mula sa Brgy. Sagrada na una nang nagpositibo sa virus.

Sa record ng LGU Bula, 6 ang naitalang confirmed cases, kung saan lahat na ito ay recovered base naman sa pagsusuri ng DOH.

May 4, 309 na indibidwal na nairehistrong PUM, kung saan ang 4,103 sa kanila ay natapos na ang 14 days quarantine habang mayroon naman 206 na patuloy na minomonitor.

Sinabi ni MDRRM Officer Isagani Raña sa kabila nito patuloy namang nagpapaalala ang lokal na pamahalaan ng Bula na patuloy ang mahigpit na pagpapatupad ng mga health protocols sa barangay at pagdiiin nito, patuloy na umiiral ang liquor ban sa lugar.
(OIC Melvin Barayoga, RPN DZKI Iriga)

 

(Source: LGU – Bula, Camarines Sur)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -