Radio Philippines Network
DZKI Iriga News Provincial News

Balik Operasyon Ng Mga Provincial Bus Patuloy Na Tinututulan

Iriga City — Ang pagbabalik sa operasyon ng mga provincial bus, nangagahulugan sa panibagong problema ng mga barangay, ito ang naging pahayag ni Liga ng mga Barangay Pres. Nelly Largo ng Camarines Sur bilang reaksyon sa plano ng LTFRB na payagan ng makabiyahe an mga provincial bus sa huling linggo ng buwang kasalukuyan.

Ayon sa opisyal, kailangan ng malinaw na guidelines mula sa DOH at LTFRB lalo’t kulang na sa mga isolation at quarantine facility ang mga LGU’s.

Binanggit pa nito na ang pagdami ng mga kaso ng covid sa ibang panig ng bansa ay mula sa Locally Stranded Individual- LSI at Returning Overseas Filipino Workers- ROFWs na hindi napaghandaan dahil sa kakulangan ng tamang alituntunin.

Una rito, sinabi ni DILG Sec. Eduardo Año na papayagan na ang mga provincial bus na makabiyahe mula sa Manila pupunta sa mga probinsya, subalit di na papayagan ang home quarantine.

Suportado rin ni LTFRB Chairman Martin Delgra ang balik operasyon ng mga bus dahil sa kakulagan ng mass transportation sa bansa na malaking tulong sa pangkabuhayan ng mamamayan sa panahon ng pandemya.

 

(Source: LTFRB Bicol)

Related posts

National Children’s Month Kick-Off Program Malampusong Napahigayon

RPN

DSWD XI Records 1,187 Duplication Of Beneficiaries In Davao City

RPN

Man Arrested For The Crime Of Rape At Varela Street, Brgy. Zone I, Zamboanga City

RPN