Tuesday, May 7, 2024

Pro Cayetano manifesto umiikot na sa kamara — Rep. Erice

- Advertisement -

Ibinunyag ni Congressman Edgar Erice ang pagpapaikot ng manifesto para manatili sa puwesto si House Speaker Alan Peter Cayetano.

Sa katunayan inamin ni Erice na pumirma na siya sa naturang manifesto subalit itinangging nangako ang kampo ni Cayetano na mabibigyan ng  malaking pondo mula sa 2021 budget ang sinumang kongresistang susuporta sa Taguig Congressman para manatiling Speaker of the House.

Sinabi ni Erice na hindi niya alam kung ilang kongresista na ang lumagda sa naturang manifesto subalit batid niyang may malakas na suporta si Cayetano mula sa minority at majority bloc sa kamara.

Binigyang diin ni Erice na hindi praktikal ngayong panahon ng pandemya na magpalit ng house leadership bukod pa sa nakita naman ng lahat ang leadership skills ni Cayetano.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img