33.2 C
Manila
Monday, April 15, 2024

Mas maraming oil companies nag-anunsyo na ng rollback epektibo bukas

- Advertisement -

Mas marami pang kumpanya ng langis ang nag-anunsyo ng rollback sa presyo ng kanilang ibinebentang produktong petrolyo ngayong linggo.

Epektibo alas-6:00 ng umaga bukas, magtatapyas ng bente singko sentimos (P0.25) sa kada litro ng diesel, diyes sentimos (P0.10) sa kada litro ng gasolina at bente singko sentimos (P0.25) sa kada litro ng kerosene ang Caltex.

Gayundin ang Jetti, Eastern Petroleum at PTT maliban lamang sa kerosene.

Una nang nag-anunsyo ng katulad na bawas sa presyo ng kanilang mga produktong petrolyo ang Seaoil at Pilipinas Shell noong weekend.

Batay sa tala ng Department of Energy (DOE), naglalaro sa P47.77 hanggang P62.15 centavos ang presyo ng kada litro ng gasolina sa bansa.

Habang nasa 43.55 hanggang 52.19 ang kada litro ng diesel at 48.77 hanggang 58.85 ang kada litro ng kerosene.

—-

 

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -