BSP pinaghahanap ng alternatibong work options ang mga bank institutions para sa kanilang empleyado

0
15

Pinaghahanap na ng alternatibong work options ng Bangko Sentral Ng Pilipinas (BSP) ang mga bank institutions para sa kanilang mga empleyado.

Ito ay upang matiyak ang kaligtasan ng mga empleyado sa harap ng panganib ng coronavirus disease (COVID-19).

Sa inilabas na memorandum order ng BSP dapat na may nakalatag na ‘response plan’ ang lahat ng bank insititution sa bansa para maprotektahan ang kanilang mga empleyado kung saan kabilang dito ang ‘remote access capabilities’ at ‘work from home arrangement’.

Samantala, pansamantala namang isinara ang BSP upang bigyang daan ang dis-infection process matapos na sumailalim ni BSP governor Benjamin Diokno sa self-quarantine dahil sa pagkaka-expose sa isang indibidwal na nagpositibo sa COVID-19.