Saturday, May 18, 2024

2 residente ng Rockwell Center sa Makati nagpositibo sa COVID-19

- Advertisement -

Dalawa sa residente ng Rockwell Center sa Makati ang nagpositibo sa coronavirus disease COVID-19.

Sa ipinalabas na pahayag ng Rockwell Land Corporation sinabi nito na dalawang tenant mula sa Joya North Tower ng Rockwell Center ang nagpositibo sa COVID-19 noon pang Miyerkules, March 11.

Sa ngayon, tiniyak ng pamunuan ng Rockwell na nananatili sa mga pagamutan ang mga residenteng nag positibo sa COVID-19, habang naka self quarantine na naman ang mga pamilya nito.

Samantala, ikinasa naman ng pamunuan ng Rockwell Land Corporation ang disinfection at sanitation sa gusali, at contact tracing sa mga posibleng nakasalamuha ng mga nagpositibo sa COVID-19.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -