Tuesday, May 7, 2024

BRP Gabriela ng PCG gagamitin sa paglikas ng mga Pinoy sa Middle East

- Advertisement -

Gagamitin ng Philippine Coast Guard (PCG) ang BRP Gabriela para ilikas ang mga Pilipino na nasa Middle East.

Ayon sa PCG, ipagpapaliban muna ang paglalayag nito papuntang Pilipinas para dumiretso sa Middle East dahil sa mas tumitinding tensyon sa pagitan ng Estados Unidos at Iran.

Nilinaw din ng PCG na ang naturang hakbang ay alinsunod sa utos ni Transportation Secretary Arthur Tugade na paglayag ng BRP Gabriela sa Oman o kaya sa Dubai.

Samantala, ang mga ililikas na Overseas Filipino Workers (OFWs) ay dadalhin sa ligtas na pantalan at dito na sila maaaring sumakay ng eroplano papauwi ng Pilipinas.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img