BPI magsasagawa ng maintenance activity sa March 20

0
42

Magsasagawa ng systems maintenance activity ang Bank of the Philippine Islands (BPI).

Ayon sa abiso ng BPI, alas-11 ng gabi ng March 20, Biyernes, hanggang alas-11:59 ng gabi ng Sabado, March 21, ay hindi muna magagamit ang kanilang online banking, mobile app, BizLink at ExpressLink platforms, ATMs, CAMs at debit card services.

Ipinabatid pa ng BPI na magsasara naman ang lahat ng kanilang sangay mula March 21 hanggang March 22, subalit mananatiling accessible ang kanilang credit card at prepaid card services.