Sevilla Bridge sa Mandaluyong isasamura muna —MMDA

0
36

Pansamantalang isasara ang Sevilla Bridge sa Mandaluyong City.

Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) General Manager Jojo Garcia, ang nasabing tulay na dumadaan sa San Juan River at nagkokonekta sa Shaw Boulevard sa Burol, Mandaluyong at P. Sanchez Street sa Sta. Mesa, Maynila ay isasara bukas, ika-14 ng Marso –alas-10 ng gabi hanggang April 14.

Sinabi ni Garcia na layon nang pagsasara ng tulay na mabigyang daan ang konstruksyon ng Skyway Stage 3 Project kaya’t magpapatupad ng one-way traffic scheme sa mga motorista na papuntang Maynila tuwing alas-5 ng madaling araw sa loob ng isang buwan.

Dagdag pa ni Garcia na hindi rin papayagang dumaan sa Valenzuela – P. Sanchez Intersection papuntang Shaw Boulevard ang mga truck.

Ayon sa MMDA, kabilang sa mga alternatibong ruta na maaaring daanan  ng mga motorista ay pagkanan sa Bagumbayan at kumaliwa sa Lubiran (Bacolod Bridge) patungong New Panaderos papuntang destinasyon.