Bongbong Marcos nagpa-COVID test —Imee

Bongbong Marcos nagpa-COVID test —Imee

by Powered by DWIZ
20 views

Itinanggi ni Senadora Imee Marcos na nasa ospital at may pneumonia si dating senador Bongbong Marcos.

Ayon kay Senadora Marcos, masama ang pakiramdam ng kapatid pagdating nito mula sa Spain subalit sa bahay lamang ito nagpapahinga.

Nagpa-COVID-19 test na anya ito subalit hindi pa lumalabas ang resulta.

Una nang kumalat ang balita na naka-intubate umano sa isang ospital sa Taguig si dating senador Marcos at nagkaroon ito ng pneumonia pagdating mula sa Spain.

0 comment

Related Posts