Isa pang kongresista nagpositibo sa COVID-19 —Albano

Isa pang kongresista nagpositibo sa COVID-19 —Albano

by Powered by DWIZ
22 views

Dalawa na ang kongresistang positibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Gayunman, ayon kay Cong. Tonypet Albano, nais ng ikalawang kongresista na positibo sa COVID-19 na huwag na lamang isapubliko ang kanyang pangalan at gawing pribado ang kanyang pagpapagamot at quarantine.

Ang unang kongresista na umaming positibo sa COVID-19 ay si Cong. Eric Yap.

Kabilang ang dalawa sa 20 kongresista na physically present sa special session na ipinatawag para ipasa ang Bayanihan to Heal as One act.

0 comment

Related Posts