Saturday, May 4, 2024

Bong Revilla Jr hindi kasama sa magsasauli ng mahigit 124-M piso

- Advertisement -

Hindi kasama si dating senador Bong Revilla sa inatasan ng Sandiganbayan na magsauli ng mahigit sa 124 milyong piso.

Ayon kay Atty Ramon Esguerra, abogado ni Revilla, tinukoy sa desisyon na batay sa article 100 ng Revised Penal Code, dapat isauli ng mga akusado ang nabanggit na halaga.

Sinabi ni Esguerra na sinasabi sa article 100 ng Revised Penal Code na ang lahat ng tao na napatunayang dapat managot sa kasong kriminal ay mayroon ding sibil na pananagutan.

Gayunman, hindi naman anya pina-nagot ng Sandigan si Revilla sa kanyang kasong kriminal dahil naabswelto ito kaya’t wala rin itong pananagutang sibil.

Binigyang diin ni Esguerra na ang mga akusadong tinutukoy sa desisyon ng Sandiganbayan ay limitado sa mga nasentensyahan na sina Janet Napoles at Atty Richard Cambe.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img