29.7 C
Manila
Friday, April 26, 2024

PNP nakabantay sa mga insidente ng karahasan habang papalapit ang eleksyon

- Advertisement -

Nakabantay ang Philippine National Police (PNP) sa mga insidente ng karahasan habang papalapit ang araw ng eleksyon.

Pahayag ito ni Police Colonel Bernard Banac, spokesman ng PNP matapos tambangan si re-electionist Mayor Nelson Bueza ng Garchitorena, Camarines Sur at mga kasamahan nito.

Masuwerte naman na walang nadisgrasya sa grupo ni Mayor Bueza matapos pagbabarilin at pasabugan pa ang kanilang sinasakyan.

Ayon kay Banac, naghahanda ang PNP sakaling kailanganin nilang magpadala ng dagdag na puwersa sa ilang piling lugar sa bansa.

Ito na ‘yung tinuturing natin na last two minutes. Talagang seryoso at napakaigting na ng mga kampanya na isinasagawa ng mg kandidato maging mga supporter. Patuloy an gating evaluation at tinitignan pa natin kung ito’y mga isolated incidents, pero ‘pag nakita natin na talagang magkakaroon ng significant na increase number of incidents ay kailangan nating magdagdag nito sa pagdeploy ng panibago pang mga puwersa.” ani Banac.

Ratsada Balita Interview


PNP, hinikayat si alyas ‘Bikoy’ na dumulog sa kanila o sa NBI

Hinikayat ng Philippine National Police (PNP) si Peter Joemel Advincula alyas ‘Bikoy’ na dumulog sa PNP o sa National Bureau of Investigation (NBI).

Ayon kay Police Colonel Bernard Banac, spokesman ng PNP, may isinasagawa silang parallel investigation kasama ng NBI hinggil sa mga taong nasa likod ng ‘Bikoy’ videos.

Tinukoy ni Banac ang ginagawang forensic investigation sa digital footprints upang malaman kung sino talaga ang nasa likod ng videos.

Ituluy-tuloy niya na, no, siya ay dumulog na sa PNP or sa NBI nang sa gayon ay maberipika na natin ang kanyang identity at maisubmit nga ‘yung kanyang statement at mapatunayan niya ang kanyang mga alegasyon,. Kailangan kasi talaga natin dito ng matibay na ebidensya na makapagtuturo kung sino talaga ‘yung mga source at nag-upload nung mga video. So, kung mapagtutugma natin ‘yan, base doon sa digital footprints at iyong kanyang pagpapakilala nga di umano na siya si ‘Bikoy’. Well, malaking bagay na maestablish natin na iisang tao sila.

” ani Banac.

Ratsada Balita Interview

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -