Pinas napag-iwanan na sa SEA sa pagdating ng dami ng mga naisagawan pagsusuri sa COVID-19

Pinas napag-iwanan na sa SEA sa pagdating ng dami ng mga naisagawan pagsusuri sa COVID-19

by Powered by DWIZ
21 views

Napag-iiwanan na ang Pilipinas ng mga karatig nitong bansa sa Timog-silangang Asya pagdating sa dami ng mga naisagawan pagsusuri sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Batay sa datos ng Department of Health (DOH), nasa 2,147 lamang ang naisagawang COVID-19 testing ng kagawaran.

Di hamak na mas mababa ito kumpara sa mga naisagawang pagsusuri ng ibang bansa kung saan sa Vietnam lamang nasa higit 30,000 COVID-19testing ang kanilang naisagawa.

Habang nasa halos 40,000 naman ang sa Singapore, 10,000 sa Thailand, at 21,000 naman sa Malaysia.

Una rito, aminado naman ang DOH na bukod sa kakulangan ng suplay ng testing kits, isa rin sa kanilang problema ang kakulangan ng mga laboratoryo at health staff na magsasagawa ng pagsusuri.

Matatandaang, matindi ang panawagan ng publiko at ng mga mambabatas para sa mass testing upang matukoy ang totoong bilang ng kaso ng COVID-19sa bansa.

0 comment

Related Posts