31.5 C
Manila
Friday, April 26, 2024

Biyahe papuntang Bicol at Visayas fully booked na

- Advertisement -

Fully booked na ang mga biyahe ng bus papuntang Bicol at Visayas.

Ayon sa mga booking officer ng mga kumpanya ng bus, Disyembre 10 pa lamang ay nagsimula nang bumili ng mga ticket ang mga pasahero na papauwi sa kani-kanilang probinsya ngayong kapaskuhan.

Maagang nagsara ng booking ang Araneta Bus Center Terminal dahil nagkaubusan na ng ticket, isang linggo na lamang bago ang pasko.

Maging ang Elavil Bus na may biyahe papuntang Matnog, Irosin at Sorsogon ay wala naring ticket na mabibili.

Gayun rin ang mga biyahe ng St. Magdalene Bus na papuntang Visayas ay nagkaubusan na ng ticket simula kahapon.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -