Tuesday, May 7, 2024

Presyo ng mga pangunahing maintenance medicines bababa sa susunod na taon

- Advertisement -

Bababa ang presyo ng mga pangunahing maintenance medicines o mga gamot sa diabetes, hypertension, mataas na cholesterol at sakit sa puso simula sa Enero sa susunod na taon.

Ayon kay Senate Committee on Ways and Means Chairman Senator Pia Cayetano, kanila nang ipinaloob sa Sin Tax Bill ang probisyon na hindi pagpataw ng buwis sa mga nabanggit na mga gamot.

Aniya, madadagdagan naman sa taong 2023 ang mga gamot na hindi papatawan ng Value Added Tax tulad na lamang ng mga gamot para sa kanser, mental health, tuberculosis at maging sakit sa bato.

Samantala, bagamat mawawalan ng gobyerno ng apat hanggang anim na bilyong piso dahil sa naturang probisyon ay makakabawi naman ito sa makokolektang buwis batay sa bagong Sin Tax Bill.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img