Pinalawig pa ng pamahalaan ang bisa ng Inter-Agency Task Force (IATF) IDs at rapid pass QR codes para sa mga Authorized Persons Outside Residence (APOR).
Ito ang naging paglilinaw ni Department of the Interior and Local Government (DILG) secretary Eduardo Año kahit paso na ang IATF ID noon pang ika-20 ng Hunyo at hanggang Hunyo lang ang validity ng rapid pass QR codes.
Sinabi ni Año, dagdag-trabaho pa kasi sa pamahalaan ang pagrerenew ng mga ito kaya’t makatitiyak naman aniya ang mga rapid pass at IATF ID holders na kikilalanin pa rin ito ng pamahalaan at maari pa rin nila itong ipakita sa mga otoridad.
Gayunman, sinabi naman ng Department of Information and Communications Technology (DICT) na pinalawig nila hanggang ika-31 ng Disyembre ang bisa ng rapid pass QR codes.