Nautang ng pamahalaan para sa COVID-19 response aabot na sa $5.8-B —Roque

0
18

Aabot sa $5.8-bilyon na ang halaga ng na-utang ng pamahalaan upang tugunan ang mga programa ng pamahalaan kontra coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon kay Presidential Spokesman Atty. Harry Roque, ito ay batay sa datos ng Department of Finance (DOF) noon pang ika-4 ng Hunyo.

Gayuman, sa hiwalay namang pahayag ay sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na aabot sa $6.4-bilyon ang nalikom ng pamahalaan na budgetary support.

Sa naturang halaga, $6.2-bilyon dito ang mula sa World Bank, Asia Development Bank (ADB) at Asian Infrastructure Investment Bank.