Hindi dapat na magdalawang-isip ang pamahalaan sa pangungutang mula sa ibang bansa at mga international financing program.
Ito ang naging reaksyon ni Senate Minority Leader Franklin Drilon sa tumataas na utang ng Pilipinas.
Sinabi ni Drilon, hindi baleng mangutang ang Pilipinas dahil kailangan ng pamahalaan na matustusan ang mga pangangailangan ng mga mamamayan at upang maibalik ang sigla ng ekonomiya ng bansa.
Dagdag pa nito, dapat din na samantalahin ng pamahalaan ang aniya’y magandang credit rating ng bansa upang magkaroon ng access sa mga international financing programs.
Aniya, hindi kasi sasapat ang kasalukuyang salapi o financial standing ng bansa para tugunan ang krisis sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Una rito, sinabi ng Malacañang na nasa $5.8-bilyon na ang halaga ng nautang ng pamahalaan para sa COVID-19 response.