Binay nababagalan sa aksyong ginagawa ng NFA ukol sa pamamahagi ng bigas

0
16

Nababagalan si Sen. Nancy Binay sa aksyon na ginagawa ng National Food Authority (NFA) para makabahagi ngayong umiiral ang enhanced community quarantine sa buong Luzon.

Ayon kay Binay, dapat ay tutukan ng NFA ang mabilis na pamamahagi ng mga bigas sa mga tao.

Giit ng Senadora hindi ito bakasyon kundi giyera kaya’t kailangan ng mabilis na pagtugon ng mga kinauukulang ahensya ng gobyerno.

Dagdag pa ni Binay, may direktiba naman sa NFA at iba pang ahensya ng gobyerno para tiyakin ang sapat na suplay ng pagkain gayundin ang pamamahagi ng relief operations.