Lacson may panawagan sa publiko kontra COVID-19

0
10

Nanawagan si Sen. Panfilo Lacson sa publiko na makiisa ang lahat sa mga panuntunang inilatag ng pamahalaan para labanan ang coronavirus disease (COVID-19).

Ayon kay Lacson, sa panahon ngayon ay kailangan ang pagkakaisa at pagsuporta sa mga hakbang na ipinatutupad ng pamahalaan para sa ikabubuti ng marami.

Kasabay nito umapela rin si Lacson sa mga opisyal ng gobyerno na huwag gamitin ang sitwasyon at kapangyarihan para makakupit sa pondo na kailangang ilaan para tugunan ang pangangailangan ng publiko.

Giit ni Lacson dapat ay gawin ng lahat ang parte upang magtagumpay ang bansa sa paglaban sa COVID-19.