TUCP pinatitiyak ang suporta para sa mga frontline workers

0
33

Pinatitiyak ng Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) ang buong suporta para sa mga frontline personnel.

Ayon kay TUCP Rep. Democrito Mendoza, dapat ay bigyang prayoridad at alagaan ang mga frontliners dahil ngayong panahon na ito ay kailangan na kailangan ang kanilang serbisyo.

Giit ni Mendoza, mahalagang mabigayan ang mga frontliners ng personal protective equipment, wastong sanitization protocol sa lugar ng trabaho at nagagawa ang social distancing.

Pinaalala rin ni mendoza ang kinakailangang transportasyon ng mga ito para makapasok sa trabaho.