Halaga ng pinsala ng El Niño sa agrikultura sumampa na sa halos P3-B

0
45

Sumampa na sa halos 2.7 bilyong piso ang halaga ng pinsalang dulot ng El Niño phenomenon sa sektor ng agrikultura.

Ayon sa Department of Agriculture (DA), pinakamatinding naapektuhan ang libu-libong ektaryang palayan at maisan sa Soccsksargen Region na aabot sa 808 million pesos at Bicol Region, 793 million pesos.

Apektado rin ang Calabarzon, Mimaropa, Western Visayas, Eastern Visayas at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM.

Kasalukuyan namang nasa ilalim ng state of calamity ang Mimaropa, Zamboanga Region, Soccsksargen at BARMM.

—-