31 C
Manila
Sunday, April 28, 2024

Halos 15,000 pulis ipakakalat para sa May 13 midterm elections

- Advertisement -

Aabot sa 15,000 pulis ang ipakakalat ng NCRPO o National Capital Region Police Office sa Maynila para sa darating na May 13 midterm elections.

Ayon kay NCRPO Chief. Major Gen. Guillermo Eleazar, ito ay para mapanatili ang anti-criminality effort ng pulisya sa araw ng halalan.

Aniya, maliban sa mga polling centers at canvassing area ay mahigpit ring babantayan ng pulisya ang iba pang mga matataong lugar.

Kaugnay nito, tiniyak rin naman ni Eleazar na hindi magiging kampante ang pulisya bagamat walang namomonitor ang PNP na anumang banta sa seguridad ng publiko.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -