Saturday, May 4, 2024

Bilang ng nasawi sa lindol sa Batanes nadagdagan pa

- Advertisement -

Pumalo na sa 9 ang bilang ng nasawi sa pagtama ng kambal na lindol sa Itbayat Batanes.

Ito ang kinumpirma ni Itbayat Mayor Raul De Sagon bagamat hindi pa nila nakukuha ang labi nito.

Nananatili naman sa 1 ang bilang nawawala at 63 ang sugatan.

Patuloy din ang nararamdamang Aftershocks sa Batanes kung saan umaabot na sa 230 batay sa tala ng NDRRMC o National Disaster Risk Reduction and Management Council.

Samantala, tumutulong na rin ang mga tauhan ng Philippine Airforce sa paghahatid ng ayuda mula Tuguegarao patungong Basco at Itbayat.

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img