28.8 C
Manila
Wednesday, April 24, 2024

Bilang ng nasawi sa bagyong Usman umabot na sa 126

- Advertisement -

Umakyat na sa isang daan at dalawampu’t anim (126) ang nasawi sa pananalasa ng bagyong Usman noong Disyembre.

Habang dalawampu’t anim (26) na iba pa ang patuloy na pinaghahanap at pitumpu’t lima (75) naman ang nasugatan.

Batay rin sa tala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC, umabot na sa mahigit apat punto dalawang (4.2) milyon ang halaga ng pinsalang idinulot ng bagyong Usman.

Mahigit siyam na raang libong piso (900,000) rito ay sa agrikultura at tatlo punto tatlong (3.3) milyon naman sa imprastraktura.

Samantala, nasa siyam na libo limang daan at apatnapu’t apat (9,544) na kabahayan naman ang nawasak ng bagyong Usman.

—-

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -