Friday, May 17, 2024

3 sugatan sa pagsabog ng LPG sa isang food stall sa Pasay

- Advertisement -

Sugatan ang tatlo (3) katao sa pagsabog ng tangke ng liquefied petroleum gas o LPG sa isang food park sa bahagi ng Roxas Boulevard sa Pasay City.

Ayon kay Pasay City Fire Station Chief Superintendent John Pinagod, nagkaroon ng singaw ang tangke ng LPG na nakalagay sa kusina ng isa sa mga stalls sa nasabing food park.

Sinabi ni Pinagod, agad namang naisugod sa ospital ang mga sugatan na pawang mga empleyado ng nasabing stall.

Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon sa insidente.

—-

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -