Inaasahang magpapatupad ng taas presyo sa mga produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis bukas.
Ito ang kauna-unahang oil pirce hike sa 2019 matapos naman ng sunod-sunod na bigtime rollback noong nakaraang taon.
Batay sa source mula sa industriya ng langis, maglalaro sa 80 hanggang 90 centavos ang dagdag presyo sa kada litro ng gasolina.
Habang 60 hanggang 70 centavos naman sa kada litro ng diesel at 40 hanggang 50 centavos sa kada litro ng kerosene.
Ang nakaambang taas presyo sa mga produktong petrolyo ay bunsod ng pagmahal ng mga imported na langis sa pandaigdigang merkado gayundin ang pagpapatupad ng karagdagang excise tax sa langis.
—-