Military take over sa operasyon ng Customs pinabulaanan

0
54

Itinanggi ni Customs Spokesman Erastus Austria ang ulat na may nangyayaring military take over sa buong operasyon ng Bureau of Customs (BOC).

Ayon kay Austria, ang tanging direktiba lamang ng Pangulo ay ang paigtingin ang paglaban sa smuggling at mas pagandahin pa ang kapabilidad ng BOC.

Iginiit ni Austria, malaking tulong sa operasyon ng BOC ang paglalagay ng ilang mga tauhan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine Coast Guard (PCG) sa ahensiya lalo’t wala naman aniyang naval assets ang ahensiya.

Bahagi aniya ito ng ipinatutupad na programa ni Customs Commissioner Rey Guerrero na tatagal ng anim na buwan para makita kung epektibo ito at mas nakapagpabuti sa ahensiya.

Magugunitang, nakatanggap ng pagbatikos ang BOC matapos na makalusot ang nasa labing isang (11) milyong pisong halaga ng shabu sa bansa.

—-