34.5 C
Manila
Monday, April 22, 2024

Bilang ng mga nasawi sa Itogon, Benguet pumalo na sa 74

- Advertisement -

Mananatili pa rin sa search, rescue at retrieval operations ang isasagawa ng mga awtoridad sa gumuhong lupa sa Barangay Ucab, bayan ng Itogon sa lalawigan ng Benguet.

Iyan ang inihayag sa DWIZ ni Cordillera Police Regional Office Director C/Supt. Rolando Nana sa pag-asang may makukuha pa silang buhay mula sa mga natabunan ng gumuhong lupa roon.

Sa ngayon aniya, pumapalo na sa 74 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa lalawigan ng Benguet matapos madagdag ang 44 na indibiduwal na nahukay na katawan sa Barangay Ucab.

“Ah ganun po kasi meron po tayong pinag-usapan kahapon na kung retrieval nalang ay meron pong tinatawag na glimmer of hope kaya search and rescue and retrieval parin po hangga’t hindi po naide-declare…. Siguro mga 2 araw ang palugit natin dito. Kung talagang di natin makikita is retrieval nalang po doon sa remaining missing person”.

Ayon naman kay Itogon Mayor Victorio Palangdan, may dumating nang apat na backhoe sa ground zero para gamitin sa operasyon.

Sa ngayon sinabi ni General Nana, nasa 39 pa rin ang nawawala habang sampu sa mga nahukay ang hindi pa rin nakikilala.

Gayunman, sinabi ng heneral na posibleng maudlot muna ang ginagawa nilang operasyon dahil na rin sa paparating na bagong bagyo.

“Pagka pumasok na po yung bagyo, wala ho tayong magagawa kungdi ihinto ho yung ating retrieval operation kasi po pinaghahandaan naman po natin yung paparating na bagyo at ang usapan doon is dapat walang tao doon sa area na yun. Talagang force evacuation ang mangyayari doon.”

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -