29 C
Manila
Saturday, April 20, 2024

Libel case kay Trillanes walang bearing ayon sa senador

- Advertisement -

Welcome kay Senador Antonio Trillanes IV ang isinampang kasong libelo laban sa kaniya ni dating Davao City Vice Mayor Paolo “Polong” Duterte.

Ito’y makaraang direktang idinawit ni Trillanes ang batang Duterte sa 6.4 na bilyong pisong shabu shipment sa Bureau of Customs.

Ayon kay Trillanes, dahil sa pagiging hostile witness aniya ni Polong sa kaso, maoobliga na itong ipakita ang kaniyang tattoo sa likod bilang patunay na miyembro ito ng chinese triad drug syndicate.

Magbubukas din ito ng pagkakataon ayon sa senador na maipa-subpoena ang lahat ng mga bank records ng batang Duterte para patunayan din na nagkakamal ang pamilya nito ng bilyon-bilyong piso.

Magugunitang dalawang patong ng kasong libelo ang isinampa nila Duterte at bayaw nitong si Atty. Mans Carpio hinggil sa naging alegasyon ni Trillanes laban sa mga ito.

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -