29.8 C
Manila
Tuesday, April 16, 2024

Smuggled rice mula Malaysia nasabat sa Zamboanga City

- Advertisement -

Nasabat ng mga awtoridad ang sako-sakong smuggled rice mula sa tatlong barko na tinangkang ipuslit sa Zamboanga City mula Malaysia.

Naharang sa ikinasang operasyon ng pinagsamang puwersa ng Philippine Coast Guard at iba pang law enforcement units ang mga barkong MV Aizalyn 3, ML Jasmin Michael at ML Habiba habang patungo sa isang pribadong pantalan sa lungsod.

Batay sa ulat nakalagay sa kulay asul na sako na may tig-limampung kilo ang mga nasabat na mga smuggled na bigas at may tatak na Emperor at Crown 88.

Wala pang detalye ang PCG sa kabuuang bilang o timbang ng mga nasabat na smuggled rice.

—-

 

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -