Bilang ng mga nasawi sa Italy dahil sa COVID-19 umabot na ng mahigit 10,000

Bilang ng mga nasawi sa Italy dahil sa COVID-19 umabot na ng mahigit 10,000

by Powered by DWIZ
48 views

Lumagpas na sa 10,000 ang bilang ng nasawi sa Italy dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Batay sa datos na inilabas ng Civil Protection Agency, 10,023 na ang kabuuang bilang ng nasawi, habang mahigit 90,000 naman ang kumpirmadong positibo sa naturang sakit.

Dahil dito, itinuturing nang episentro ng COVID-19 ang Italy matapos na malagpasan ang death toll ng binansagang ground zero ng virus sa China.

Batay kasi sa Johns Hopkins University record, nasa mahigit 3,000 ang naitalang nasawi sa China habang mahigit 81,000 naman ang kumpirmadong kaso.

0 comment

Related Posts