UFC President hindi iuurong ang mangyayaring laban sa Abril

UFC President hindi iuurong ang mangyayaring laban sa Abril

by Powered by DWIZ
47 views

Hindi iuurong ni UFC President Dana Frederick White Jr. ang pay-per-view boxing fight nina Khabib Nurmagomedov at Tony Ferguson sa darating na Abril 18.

Ayon kay White, lumakas pa ang kanyang loob na ipagpatuloy ang pay-per-view fight ng dalawa matapos na suportahan sya ni retired Heavyweight Champion Mike Tyson.

Paliwanag nito, ngayong maraming bansa ang naka-lockdown dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19), mas marami ang naghahanap ng aliw o mapaglilibangan gaya nalamang ng panunuod.

Magugunita naman binatikos si White ng ilang kritiko dahil maaari umanong malagay sa panganib ang kanyang mga fighters kung ipagpapatuloy parin ang nakatakda sanang sagupaan.

Binweltahan naman ito ni White na kailangan rin nilang kumita at magtrabaho ang kanyang mga fighters.

0 comment

Related Posts