34.3 C
Manila
Thursday, April 18, 2024

Bilang ng mga nasawi na bakwit sa pagaalburoto ng bulkang Taal pumalo na sa 5

- Advertisement -

Umakyat na sa 5 ang nasawing bakwit habang nananatili sa evacuation center kasunod ng pag-aalburoto ng bulkang Taal.

Kinilala ang huling biktimang evacuee na si Larry Montalvo na naninirahan sa bayan ng Cuenca, Batangas.

Base sa ulat, nagmomotorsiklo sa Quezon Province si Larry kasama ang asawa nito at apo nang sumalpok sa isang bus.

Nasa kustodiya na ngayon ng pulis ang bus driver at nangako itong tutulong sa pagpapagamit sa pamilya ng biktima.

Una nang naiulat ang pagpanaw nina Ma. Teresita Valienye na taga Talisay, Batangas matapos magkaroon ng acute myocardinal infraction; Danilo Toledo mula sa Taal, Batangas; Felina de Roxas na residente ng San Pascual; at Benny Mendoza dahil sa cardiac arrest o atake sa puso —ulat mula kay Jopel Pelenio (Patrol 17). 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -