31.9 C
Manila
Thursday, April 18, 2024

Roque tinanggap ang alok na hawakan ang kaso vs 2 water concessionaires

- Advertisement -

Tinanggap na ni dating Presidential spokesperson Atty. Harry Roque ang alok ni Pangulong Rodrigo Duterte na hawakan nito ang kasong ihahain ng pamahalaan laban sa Manila Water at Maynilad.

Ito ay matapos na pagdesisyonan ng pamahalaan na ituloy ang kaso kahit pumayag o hindi ang dalawang water concessionaire sa bago nilang inilatag na kasunduan.

Ayon kay Roque, malaki ang tiyansa na manalo ang gobyerno laban sa Maynilad at Manila Water dahil sa kawalan ng bidding at sewage treatment plants sa kabila ng mga nakokolekta nitong environment fees.

Samantala, bukod sa Department of Justice (DOJ) tutulong na rin ang Office of the Chief Presidential Legal Counsel sa pagsampa ng kaso laban sa may ari ng dalawang water concessionaire na sina Fernando Zobel de Ayala at Manny Pangilinan.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -