Bilang ng mga nasawi dahil sa COVID-19 sa Italy patuloy ang pagtaas

0
15

Tuloy pa rin ang pag-akyat ng bilang ng mga nasawi dahil sa COVID-19 sa Italy.

Sa ngayon ay pumalo na ito sa 2,158.

Umabot naman na sa 27,980 kaso ng COVID-19 sa Italya mahigit 3,000 dito ang bagong kaso.

Samantala mayroon namang 14,991 na kaso sa iran at 853 ang nasawi.

Nasa 9,942 naman ang kaso sa Spain habang 342 ang nasawi.

Nasa 8,236 naman ang kaso sa South Korea at nananatiling 75 ang bilang ng nasawi.