Grab tigil operasyon muna sa buong Luzon

0
16

Tigil operasyon muna ang Grabcar, Grabfood, Grabexpress at Grabtrike sa buong Luzon simula ngayong araw.

Ito’y kasunod ng pagsasailalim sa enchanced community quarantine ni Pangulong Rodrigo Duterte sa buong Luzon dahil sa COVID-19.

Ayon sa Grab, magtatagal ang kanilang tigil operasyon hanggang sa susunod na abiso.

Kasabay nito tiniyak ng Grab na kaisa sila ng pamahalaan para malabanan ang pagkalat ng COVID-19.