Muli na namang nadagdagan ang bilang ng mga nasawi sa buong mundo dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Batay sa pinakahuling tala ng World Health Organization (WHO), sumampa na sa kabuuang 44,333 ang bilang ng mga nasawi dahil sa COVID-19.
Kasabay nito, sumampa naman sa 889,213 ang kabuuang kaso ng COVID-19.
Samantala, nasa 188,325 ang bilang ng mga naka-recover sa virus.
