30.2 C
Manila
Wednesday, April 24, 2024

DSWD, Galvez pangangasiwaan ang pagbibigay ng cash subsidy — Duterte

- Advertisement -

Pangangasiwaan na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at ni coronavirus disease 2019 (COVID-19) Response Chief Implementor Carlito Galvez ang pamamahagi ng cash subsidy sa publiko.

Ito ang ini-anunsiyo ni Pang. Rodrigo Duterte sa kaniyang pagharap sa publiko, kagabi.

Ayon sa Pangulo, hindi na hahawakan pa ng sinumang pulitiko ang pondong inilaan para sa mga naapektuhan ng ipinatupad na enhanced community quarantine (ECQ) sa Luzon dahil sa banta ng COVID-19.

Kaugnay nito, inatasan din ng Pangulo ang mga otoridad na tiyaking ligtas ang mga frontliners sa bansa at nagbabala ito sa sinumang mananamantala sa mga ito.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -