DOH may nilinaw ukol sa umano’y depektibo na COVID-19 testing kits mula China

DOH may nilinaw ukol sa umano’y depektibo na COVID-19 testing kits mula China

by Powered by DWIZ
43 views

Nilinaw ng Department of Health (DOH) ang ulat na depektibo ang mga coronavirus disease 2019 (COVID-19) testing kits na mula sa China.

Ito ay matapos na ihayag mismo ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na 40% accurate lamang ang mga COVID-19 test kits na ibinigay ng China para sa Pilipinas.

Sa isang pahayag, sinabi ni Vergeire na napag-alamang tumu-tugma naman ang mahigit 100,000 test kits na ibinigay ng China sa pamantayan ng World Health Organization (WHO).

Ayon sa DOH, nagtataglay ng sapat na reagents ang mga nasabing test kits upang makapagsagawa ng accurate o tamang resulta sa mga  pagsusuri.

Una rito, matatandaang umalma ang Chinese embassy sa naturang pahayag ng DOH, at nanindigan itong hindi nila palalampasin ang anumang iresponsableng pahayag na makasisira sa kanilang pagtulong sa mga bansang apektado ng COVID-19.

0 comment

Related Posts