Thursday, May 2, 2024

Bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa mahigit 13-K na —DOH

- Advertisement -

Sumampa na sa 13,221 ang kabuuang bilang ng mga dinapuan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Pilipinas.

Ito’y makaraang makapagtala ang Department of Health (DOH) ng 279 na bagong impeksiyon nitong nakalipas na 24 oras.

Sinasabing sa bilang na ito, 150 ang nagdagdag sa National Capital Region (NCR), 14 sa Region 7, at 115 naman mula sa iba’t ibang rehiyon.

Samantala, nasa 2,932 na ngayon ang bilang ng mga gumaling sa sakit bunsod ng panibagong 89 recoveries.

Kaugnay pa rin nito, umakyat na sa 842 ang bilang ng mga nasawi dahil sa COVID-19 bunsod ng walo pang pasyente na nadagdag sa naturang listahan.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img