Mandatory pregnancy test sa isang kolehiyo sa Baguio binatikos

0
42

Binatikos ng mga netizen ang isang kolehiyo sa Baguio City dahil sa ipinatutupad nilang bagong polisiya kung saan ipinasasailalim sa mandatory pregnancy test ang kanilang mga estudyante.

Ayon sa Pines City Colleges, ang nasabing habang ay para sa proteksyon umano ng kanilang mga estudyante na mag-i-enroll sa mga subject na posibleng kapwa maglagay sa panganib sa nanay at kanyang anak.

Dagdag ng Pines City Colleges, naniniwala silang proteksyon ito sa kanilang mga estudyante lalu na kung naka-deploy sa mga internship programs sa mga hospital o clinic.

Iginiit din ng eskuwelahan na ang nasabing polisiya ay sinang-ayunan naman ng mga estudyante bago sila mag-enrol at pumasok.

Batay sa ipinalabas na memo ng Pines City Colleges, magsasagawa sila ng mandatory pregnancy test sa mga estudyante sa ilalim ng colleges of nursing, pharmacy at dentistry.

Nakasaad din sa memo na isasama na sa school fees ang 150 pesos na bayad ng bawat estudyante sa nasabing pregnancy test.

—-